Tuesday, September 3, 2013

Ano ba ang tinatawag na Equinox?

EQUINOX

Ang Equinox ( Tagalog: Ekinoks o Ekwinoks) ay ang tawag sa panahon kung kailan magkasinghaba ang araw at gabí at nangyayari ito dalawang beses sa isang taon. Vernal Equinox ang tawag kapag Marso 20 at 21 samantalang Autumnal Equinox naman kapag Setyembre 22 at 23. Sa mga bansang kanluranin, nangyayari ito tuwing Marso 20 at Setyembre 22 at sa mga bansang nasa silangan naman ay tuwing Marso 21 at Setyembre 23. Nagmula ang salitang Equinox sa sa salitang Latin na “aequus” (equal o pantay) and “nox” (night o gabi) o sa ibang salita, pantay na umaga at gabi.



Ngayong Septyembre 22 at 23, ang mundo ay makakaranas ng tinatawag na “Autumnal Equinox” na kung kailan ang umaga at gabi ay magpapantay ang haba at gabi. Ang declination ng araw ay nasa zero degrees at magkakaroon ng 12 oras sa araw at 12 oras sa gabi sa lahat ng panig ng mundo. 

Matapos nating maranasan ang Autumnal equinox, ang mga bansang nasa southern hemisphere ay magsisimulang maobserbahan ang mas mahabang araw, habang ang nasa northern hemisphere ay mas magiging maiksi ang araw kagaya ng bansang Pilipinas.

Magaganap ang tinatawag na Winter Solstice sa Disyembere 21 o 22 kaya ang mga bansang nasa North Hemisphere kagaya ng Pilipinas ay makakaranas ng pinakamaiksing oras ng araw at pinakamahabang oras ng gabi. Sa Pilipinas, ang mas malalamig na araw ay mararamdaman sa pagpasok ng northeast monsoon, o hanging amihan, na inaasahang magaganap bago ang katapusan ng Setyembre o sa unang bahagi ng Oktubre.




1 comment:

  1. Youtube - YouTube Search for: YouTube
    YouTube (video-streamed video-streamed video-streamed video-streamed video-streamed video-streamed video-streamed video-streamed video-streamed video-streamed video-streamed video-streamed video-streamed youtube converter to mp3

    ReplyDelete